Logo Contest
Inaanyayahan ang lahat ng mga masugid na tagasubaybay ng L.P. Quotes sa isang paligsahan sa paggawa ng logo. Ang logo ay gagamitin dito sa website at kung saka-sakali sa fan profile sa Facebook.
Ang nais ko lang sana ay ito ay simple, malinis tingnan at hindi nakaka-insulto sa kahit sino man. Hangga't maaari ay parisukat sana ang logo.
Pakigamit na lang ang contact form sa baba para magpadala ng link ng inyong sample logo.
Kung maaari rin sana ay ilakip ang isang maikling paglalarawan sa inyong sarili, at sa kung ano ang kwento sa likod ng inyong ginawang logo. Ang magwawaging logo ay gagamitin at ang kwento ng gumawa ay ilalahad dito sa website. Makakatanggap din ang magwawagi ng Dairy Queen ice cream.
Maraming salamat,
L.P.